Saturday, September 25, 2010

HAPPY 8 MONTHS!

Yess naman. ang laki-laki mo na, neng. nabibigatan nako sayo pero syempre, excited akong makita ka. wag ka sanang magiging makulit kapag laki mo or else papalo ka ni mami. jokes lang po! love na love kita always.


saka na ung picture. tinatamad ako. sundan nyo ko sa tumblr para mas updated kayo. muaks!

Tuesday, September 21, 2010

Forgive Me || Tumblr.

Blogspot,

Forgive me. Pasensya kana kung nakakalimutan na kitang i-update :( Busy na kasi ako sa tumblr at twitter ngayon eh. Hays pero don't worry dahil ikaw ang naglalaman ng mga importanteng bagay sa buhay ko kaya hindi kita pwedeng kalimutan at hinding-hindi kita kakalimutan. Ikaw parin ang original ko. Muah!

xo,
PinayPraning.

Nag-umpisa kami ng family ko na mag-devotion ng sabay-sabay kaninang 11p.m. Sakto, kakadating lang ni father dear galing work kaya makakasama sya sa devotion time namin. Ang topic namin is "Respect towards parents". Ang shinare ko is Ephesians 6:1-3. Si daddy maraming shinare tapos nagtawanan pa kame kasi sya ang nagsabi na ang topic is about respect pero ang sinearch nia is about "sins" haha. Anyways, it was a goodnite. Natapos kame ng 12a.m :)

Thank You, Lord for always being there for us and for all the blessings. Keep them coming :)

Wednesday, September 15, 2010

1.30 Oras At 5 Minuto.

September 13, 2010

appointment namin ni Saint kanina sa O.B, Dr. Kim Shaw, 9:30a.m andun na kame dahil 9:40a.m ang talagang oras ng appointment namin. pumupunta kame dun ng maaga kasi kailangang umihi muna sa cup with the urine dipstick (parehas ng ginamit sakin noon para malaman kung jontis ako o hinde), idi-dip mo sa ihi mo ung stick nayun, at dun nila mati-test yung glucose mo and it also helps ascertain your health status. pagkatapos non, umupo na kame ni mudra. mejo nakakailang kasi ako lang ang pinakabata don tapos nagkataon pang ang katabi ko ay isang mejo nasa katandaang pinay na buntis, nu kayang iniisip nia noh? lol heneweis, mukha namang nde naiilang si mudra so nilakasan ko ung loob ko. nakikipag-smile-an ako sa kanila at hinahayaan ko lang na makita nila yung tyan ko (na-update ko na nga pala yung 7-month-tummy ko na picture, next page).

nagdaan ang 9:40a.m, nde parin kame tinatawag. andaming pumapasok at nagsa-sign-up ng mga forms. kainggit minsan kase kasama nila yung mga kania-kaniang asawa nila, oh wellss.. nagdaan ang 10a.m, wala paring tawag samin! nakakangarag, sobra! nag-intay parin kame, kelangan eh. nagdaan ang 10:30a.m, kaloka dahil wala paring tinatawag na "Maria" (first name agad kasi ang kinukuha nila dito, so ngayon, alam nyo na agad ang first name ko. HAHA).

10:50a.m, wala parin! magda-dalawang oras na kameng nagi-intay don, nakakagigil.
ME: "Ma, ano kayang nangayre don noh? 9:40a.m pa yung appointment natin ah."
biglang sumingit si aleng katabi ko.
ALE: "9:40a.m ba yung appointment nyo? Ako nga 9:30a.m eh. Nakakainis kasi mali-late nako netoh sa pupuntahan ko. Baka nagpa-anak."
ME: "First time nga po ito na ganito katagal ang intayan eh, baka nga ho nagpa-anak. Kelan ho kayo due?"
ALE: "Oo nga, first time ito. Sa December pa, ikaw ba?"
ME: "Sa November ho." (sabay ngiti)
pagkatapos na pagkatapos nung pag-uusap namin nayon, tinawag na sya. sabi ko, hayss salamat ako na ang next!

10:45a.m
ASST. NURSE: "Maria ?"
sabay tayo agad ako tapos direcho dun sa check-up-an. 10:55a.m dumating na yung O.B namin right away which was good. chineck yung hear beat ni Saint (144 per sec. I think?), ang sakit ng pag-check nia kasi talagang nakadiin, nde ko tuloy ma-enjoy ung heart beat ng anak ko. amps. tapos minesure nia ung tummy ko, 28 cm which is perfect daw. lol I passed the diabetes test, blood tests, at urine tests. wala daw akong kaproble-problema at ang pinakapabortio nia daw sa lahat ay ang ganda daw ng pagkaka-cushion ni Saint sa tyan ko. whew!

hindi ako masyadong matanong kaya sabi nia saken pumunta na daw ako dun sa asst. nurse na tumawag sakin kanina para ipa-appointment yung tour ko sa hospital, para alam ko kung san ako ppnta pag manganganak nako. lol at lahat ng yon nagawa nia within 5 minutes. totoo. limang minuto nia lang ako chineck dahil sobrang packed na sila pero ayus lang sakin yun, ok naman daw si Saint at wala naman daw akong problema sa katawan kaya thank God parin :)