Thursday, September 24, 2009

KSP

Ayaw ko talagang ugali ng isang tao ang KULANG SA PANSIN. Nakakabanas. Sarap manapak kapag nakakakita ako ng gantong klase ng tao. Lalo na kung wala namang maipagmamalaki. At higit sa lahat, ayaw ko yung masyadong EPAL. Hindi ko alam kumbaket may mga taong sadyang nabubuhay na nagpapapampam lang. Buti sana kung yung pagpapa-pampam na ginagawa nila, eh, yung parang nagpapa-cute lang ba sa taong crush nila. Ang kaso.. ang pagpapa-pansin na ginagawa eh yung tipong nangunguha ng atensyon sa paraan ng paggamit ng inappropriate language at actions.

Kundi maninigaw, magmumura. Kundi mang-aalipusta, mamatok. Hindi naman nangyare sakin yung ganto pero nasaksihan at naobserbahan ko eh. Hindi naman maganda kasi yung kapag walang pumapansin sayo, dadaanin mo na lang sa bagay na makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao. Ako, aminado ako, kapag nagaala-pokwang moves ako minsan may napipikon or may mga taong hindi nagugustuhan ang pagi-interpret ko pero at least ako hindi ako nagpapa-pansin sa pamamagitan ng pananakit sa kapwa ko o pang aalipusta.

Nakakabadtrip lang ngayong araw kasi may mga taong exaggerated sa mga aksyons nila nia. Ayoko rin talaga sa lahat yung mga overreacting kapag nagpapatawa although most of the time, nago-overreact ako sa pango-okray, ayoko parin yung ugaling ganun. Nagbo-boss-boss-an wala namang laman ang utak. Epal rin kung tatawagin.

Mukhang hindi yata kasi napapagtuunan ng pansin sa bahay kaya sa ibang lugar dinadala ang pagu-ugaling asal hayop.

2 comments:

ad1kgurL said...

hmm.. marami akong kilala na EPAL. hayss.. tara sapukan nlng para matapos na.. dba Jhey?? wlang magawa lang mga yan! yaan mo na..

PRANIIIIINGGGGGGGGGGERSSS said...

hahaha. koraak!