Friday, October 23, 2009

Pinaka


“ Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.”- Doraemon


May mga taong hindi pa kuntento sa kung anong bagay ang kaya mong ibigay sa kanila. Sila yung mga taong, naghahangad ng mga bagay na "PINAKA" - pinaka the best, pinaka okay, pinaka maganda, pinaka mabait, pinaka matalino.. Sila yung mga taong hindi kunteto sa matalino, mabait, maganda.. Kailangan PINAKA. Kailangan mas higit pa. Isa si bf sa mga taong hindi kuntento at naghahangad ng PINAKA.

Ako? Nawawalan nako ng pag-asa. Tinatanggalan nya ako ng pag-asa. Pag-asang maging PINAKA sa buhay nya. Pinaka matalino, pinaka mabait, pinaka astig, pinaka malupet, pinaka sweet, at kung ano ano pang magandang pinaka na misis este gf para sa kanya pero parang hanggang ilusyon nalang ako dahil kahit kailan hindi nya ko makikitang "pinaka" sa buhay nya. Oo, alam kong ilang beses nakong nagsasabing pagod nako, gusto ko ng magpahinga, at kung ano-ano pa pero sa totoo lang kahit sobrang pagod nako at wala ng kapag-asa-pag-asa go parin ako ng go! No, actually.. Kapag nakikipaghiwalay sya, ok na saken kaya lang sa kanya hindi ok kasi gusto nyang masira rin daw ako gaya ng pag-sira ko sa buhay nya (LITERALLY).

Pinaka. Gusto kong makita nya kong PINAKA pero napaka-imposible nun dahil nga gawa ng napaka-bobong nakaraan ko. Sobrang nagsisisi nako pero bakit ayaw nya pa kasi akong bitawan nalang! Gusto nya munang maghirap ako. Alam ko ang pagkakamali ko at aminado ako dun. Gusto ko ng kalimutan nalang lahat .. Kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon upang baguhin ang nakaraan, bakit hinde? Hirap narin ako! Gusto kong maging pinaka sa kanya.. Kaya lang ibang pinaka ang tingin nya saken eeh .. Pinaka-kadiring nilalang sa mundo.


ANG HIRAP ISIPIN NA KUNG KAILAN KA NAGBABAGO, DUN KA GINAGAGO.
AKO: "Ako ba nirerespeto mo?"
BF: "Bakit kita rerespetuhin?"

3 comments:

Pretsel Maker said...

naku ang hirap nyan sitwasyon mo. Sabi sa akin ng kaibigan kung matanda kapag nawala na daw ang trust sa isat isa hindi magiging matatag ang relasyon. Basta wala akong alam sa ganyan ahehe bata pa ako hehe

praning said...

sa buong bwan wala na talagang trust pero matatag parin naman kame yun nga lang di naiiwasan ang araw araw na away.

Anonymous said...

hey,

i feel so sad na nabasa ko to..

if i could have the right words the right advice na ibibigay sayo... Pero no matter how much advise ung ibigay ko, kung ung di ko man lang ikaw matulungan kahit one time lang makes me feel so useless..

i care for you and i better sure na i have the right step to make you happy...

hindi ko kayang makita na isa sa mga special friend ko nahihirapan pero wala ako magawa.. if you just gonna let me help you i will do it.. just say yes..

_ate tinz_