Monday, November 16, 2009

Fake or Real

Minsan, kapag inu-obserbahan ko ang paligid, parang ang daming hindi makatotohanan. Ang daming peke. At fake is reality. Hindi na uso ngayon ang mga totoong tao. Sabagay, ilang bwang pagtitiis nalang naman, eh, malalayo narin ako sa mga taong 'toh. Iiiwas ko muna ang sarili dahil alam kong may ugali akong hindi nila gusto. Hindi ko kasi pwedeng baguhin ang sarili ko para lumibel sa pag-iisip nila. Masyado nakong maraming napagdaanan para bumalik sa libel ng pagiisip nila. Sana... mabawasan na yung mga gantong tao. Mga taong, ina-isolate ka. Mga taong .. lumalapit lang kapag wala rin silang kasama.

Kanina, magkasama kame ni bf, naglabas ako ng sama ng loob ko sa kanya tungkol sa mga kaibigan ko. Hindi ko na kako alam kung sino ang totoo sa kanila at kung sino yung peke. Alam kong may problema ako pero syempre gusto kong i-point out nila sakin yon kesa umiiwas sila o gumagawa ng mga hakbang na natatamaan ako. Hindi kasi lahat ng bagay naidadaan ko sa tawa. Minsan, hindi ko narin kaya.. Buti nalang may 2 tao na nagmamahal sakin at patuloy na nakikinig sa mga hinanakit ko sa buhay, si Bro at si BF.

Masaya ako sa kung sino ako, pero hindi ako masaya sa kung ANONG panghuhusga ang tumatakbo sa isip ng mga taong 'toh. Tandaan na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagpapakita ng inis sa isang tao o "ayaw nyong makasama". Sabihan nyo naman ako para alam ko kung san ang tamang lugar ko.

1 comment:

ad1kgurL said...

grabhe nuh sobrang obvious pla nila kc nararamdaman mo yung lumalayo sila sayo. Un nga dn mnsn problema sa mga taong yan kac ayaw nilang sabihin sau ng harap harapan, malalaman mo nalang sa iba na may cnsabi na pla sila sau. tama nga yan jems, pakalayo2 ka muna jan sakanila para mabawasan ung mga iniisip mo.. focus ka nlng sa mga mahahalagang bagay sa buhay mo.. :)