Thursday, November 19, 2009

Temporary

I'm fcuking crying my heart out. Bakit ganun? Laging temporary lahat ng bagay? Walang permanente. Bakit kapag nagiging masaya ka, sandali lang? Pero ang lungkot laging andyan? Ngayon, napatunayan ko sa sarili ko na may problema nga ako. May problema sa buong pagkatao ko. Problemang hindi naiintindihan ng iba kaya't ganun-ganun nalang sila kung husgahan ako.

Gustong-gusto kong magpakalayo-layo. Malayo sa lahat. Sa lahat ng sakit. Sa lahat ng taong wala namang naidudulot na mabuti sakin. Totoong mas kilala natin ang sarili natin pero bakit parang hindi ko na kilala yung sarili ko? Parang ang layo-layo ko na sa dating ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming nagbabago. Sana ... hanggang dito nalang muna ang lahat. Masyadong marame para pasanin ko. Wala ng kaibigan, mawawalan pa ata ng boyfriend. WHAT A FCUKED UP LIFE, EH?

1 comment:

ad1kgurL said...

kaptid, nakakarelate aq sau to the highest level! gnun tlga eh wla tlagang permanente.. may mawawala, may matitira.. :( so sad gnun ang buhay natin nuh? ayos lang yan, matibay ka nmn eh.. ano bang pagsubok na di mo na kaya, wla nmn ata.. think positive all the time ha.. :) Hindi kapa nawawalan ng kaibgn, dito pa kmi ni atina.. tandaan mo yan .. :) smile kaptid! :D