Wednesday, December 16, 2009

Still Undone

Lunes ng mahuli kame ni bf na magkasama ng Mommy ko. My gad! Harapan akong nag-sinungaling kay Inay kahit na huling-huli ako sa akto. My gooseneck!

Ring ring ring! Oh shit, it was mom. She saw me getting out of the house & got a litol bit skiiird kasi bakit raw ang aga kong umuwi, eh, 3:10pm pa ang labasan ko at bakit hindi ko sinasagot yung tawag nya. 3:09pm ng makita nya kong lumabas ng gate. Magkasama kame ni bf at nagulantang ako ng pagtawag ni Mommy, eh, nasa kabilang kalsada na pala sya at nakamasid samin habang kausap ako sa fone. Gumuho ang building ng mundo ko, para kong sinaksak ng punyal sa dibdib by the time na makita ko syang nakatingin ng masama samin. Pinasunod nya si bf at mag-uusap-usap na raw.

Umiyak sa harapan ni bf at ko si Mommy. Ay sha! Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pero sabi nya magsabi ako ng totoo. So ng tanungin nya ko:

MOM: "Hindi mo ba talaga sya pwedeng hiwalayan?"
ME: "Hindi."
MOM: "Do you want me to beg?"
ME: "Hindi."
MOM: "Pwede bang maghiwalay na kayo?"
ME: "Hindi."
MOM: "Bakit?"
ME: "Hindi naman kayang mawala ang isa't isa."
MOM: "Pipai naman... kahit yata lumuhod ako sa harapan mo, sya parin ang pipiliin mo!"
ME: "Yes."

Oo, masama akong anak pero gusto nya ng totoong kasagutan kaya ibinigay ko lang ang gusto nya. Walang ginawang masama sakin ang nanay ko. Lahat-lahat binigay nya sakin. Lahat ng KAILANGAN at GUSTO ko, binigay nya. Ako lang talaga ang matigas ang ulo. Ganyan ang nagagawa ng pag-ibig ... kahit banggain mo na lahat wag lang mawala sa inyo ang isa't isa. Kahit tablahin mo lahat ng taong nagmamahal sayo sa paligid, walang saysay yun kapag wala ang isa.

Alam kong hindi tama pero umamin ka, mas madali at masarap gawin ang bawal.

2 comments:

ad1kgurL said...

woowww! grabhe ang nangyari pipai..?! kaloka na to! ok na pla ulit kau ni pipoi.. ano na nanyari sa inyo ng mama mo? ayos naba kau? :S

XiR.. said...

awwwww grabe toh jheyms..d q inexpect ung reaction ng mom m..
XD