
Mood: Hyper pero malungkot
Song: 3 by Britney Spears
Kanina sa sala, I randomly turned on the T.V for some weird reasons kasi siguro nagsasawa nako kaka-internet sa kwarto. Tapos sakto nasa TFC channel ang aming telebisyon at sakto rin na Maalaala Mo Kaya (MMK) ang palabas, "The Tara Santelices Story". Tara was in a coma then I think she died after a year or more. Hindi ko kasi natapos dahil may tumawag sakin eh. Tara wanted to be a"UN AMBASSADOR", she likes helping homeless kids, at mahilig syang makinig ng mga kwento sa mga baryo.
I can see myself kay Tara. I also like helping people from poorness, especially ang Pilipinas. Kaya lang ang pinagkaiba namin ni Tara, sya nagawa nya, ako puro ISIP at DESIRE lang although I donated money nung mga araw ng kasagsagan ng bagyo sa Pinas. I was going to have a huge birthday party pero I decided not to kasi nga maging PRAKTIKAL nalang diba? Mas maraming nangangalaingan ng pera na gagastusin ko for just one day. BUT STILL wala akong mapatunayan sa sarili ko na magagawa ko sya kasi malayo ako sa Pinas although pwede kong magawa dito kaya lang parang wala pa sakin kasi yung pagpo-pursige.
Naalala ko one time nangarap ako na kapag nakapagtapos ako ng University or kahit College dito sa Canada, uuwi ako uli sa Pinas. Mga kahit 3 to 6 months lang then gusto kong mag voluntary teach sa mga public schools or kahit daycares. Masyado kasi akong maawain. Gusto ko palaging nakakapagbigay although wala sa itchura ko kasi maluho talaga ko pero I know that I have the heart to help poor people. Isa pang naaalala ko, dati gusto kong tumulong sa mga teenagers na nag-undergo sa abusive relationships. I wanted to be a psychia or psychologist. Kasi feeling ko marami akong maitutulong sa kanila kasi based on experiences ang pu-pwede kong ma-ishare sa kanila.
Tulad sa kwento, hindi nakita ng parents ni Tara yung mga mabubuting ginawa nya. Hindi nila alam na mahilig pala tumulong si Tara sa mga tao. Ganun rin ako, ang lagi lang nakikita ng parents ko is yung katigasan ng ulo ko. Naiintindihan ko sila kasi yun lang naman talaga ang pinapakita ko pag kaharap ko sila. Parang they see me as an apathetic person, especially sa kanila. It hurts but I have to deal with it.
Ang dami-dami raw dumalaw kay Tara nung nasa ospital sya.. Napa-isip tuloy ako.. Marami rin kayang dadalaw sakin kapag ganun ang nangyare sakin o baka maraming matuwa kasi at last mawawala narin ako sa mundo. Kanina nung umi-emo ako, iniisip ko na kung mamamatay ako .. ilang tao kaya sa 1,003 friends ko sa facebook ang aattend? Baka wala pa sa kalahati dahil sa sama ng tingin sakin ng mga tao.
Feeling ko, ansama-sama kong anak. Feeling ko, ansama-sama kong kaibigan. Feeling ko, wala kong ka-kwenta-kwentang tao. Hindi ko nga alam bakit binubuhay pako ng Dyos. Wala akong makitang purpose pero si Tara kinuha nya samantalang andami-daming nagagawang kabutihan nung tao.. Siguro ganun lang talaga ang daloy ng buhay. Kahit gaano kaganda ang mga ginagawa mo, may hangganan parin ito.
No comments:
Post a Comment