Sunday, January 3, 2010

Accepted

HAYS PASUKAN NANAMAN BUKAS AT TAPOS NA ANG WINTER BREAK! MAKAKAHARAP KO NANAMAN ANG MGA ECHOSERANG PALAKA SA PALIGID. KERI PARIN!

Nagsi-search kasi ako sa peysbook at napadaan ako sa profile ng aking DATING MABUTING kaibigan na hindi ko na sasabihin ang neym. pag-click ko sa profile picture nya, I cared to read the comments shempre. masakit mabasa ang mga patamang comments sakin na isang tao nalang ang kulang sa litrato at kumpleto na silang BEST OF FRIENDS AT OBVIOUSLY hindi ako yung taong kukumpleto non. hindi ko alam kung nananadya batong intrimitidang ipokrita na 'toh o sadyang nagpapatama lang ako ng bongga sa mga sinasabi nya. na-trauma talaga ako sa ginawa nila sakin noong kapanahunang inosente ako sa pagiging laitera. hinding hindi ko makakalimutan ang pinagdaanan ko sa kamay ng bruhildang ito.

Aminado ako na nitong mga nakaraang bwan, eh, umiral ang pagiging mainggitin ko. bakit? yun ang inaalam ko nuon. kagabi ko lang nareyalays na hindi pla dapat ako nagpapaapekto sa mga tokshit at plastik sa paligid ko. naiinggit ako kasi bigla ko nalang makikita sa peysbook yung mga pikchurs na kesyo nag punta sila sa gantong lugar o sa bahay ni ganito na HINDI man lang ako naimbitahan o sadyang hindi ko lang pinansin ang grup message nila. anyways, yun ang mga simple at mabababaw na bagay na kinaiinggitan ko noon at kahapon pero hindi na NGAYON!

Sabi saken ni Sugar, bakit ko raw ba pinagsisiksikan yung sarili ko sa mga babaeng 'toh at bakit pilit ko silang tinutulak na tanggapin ako eh samantalang tanggap ako ng nakararami, maraming may gusto saken dahil sa angking self-confidence ko, at isa pa raw na problema sakin ay ang kagustuhan kong matanggap ng lahat ng tao at lahat ng tinuturing kong kaibigan. lahat ng sinabi sakin ni Sugar, totoo. hindi ako nasaktan kundi lalo pang pinanlakasan ng loob na harapin ang mga magdadaang araw, bwan, at taon na makakahulibilo ko ang mga taong ito. konting tiis nalang naman ay mahihiwalay nako sa sirkulo nila. hindi ko na kakailanganing humarap sa mga epal at plastik na walang ginawa kundi manlait! pero isa lang ang tumatak sa isip ko: hwag gaganti bagkus ipakita sa kanila na mahal ko parin sila kahit na sinira nila ang tiwala ko sa kanila.

Isang tanong rin ang naglalaro sa isip ko na nagbigay sakin ng pampalakas pa ng loob. "Ang dami-dami kong kaibigan, bakit 4 na tao lang ang hahayaan kong sumira sa utak ko?!" Seryoso, at totoo. sa dinami-dami ng kaibigan ko, bakit ko nga ba inuubos ang panahon ko sa mga taong sumira ng tiwala ko?! hay nako! uber na talaga ang pagka-praning ko. tigilan na dapat. at tulad nga ng sinabi ko kay Sugar, cheers to APATHY!

SUGAR: Sugar, sooo ... what will you do on Monday?

ME: WON'T CARE! APIRR!
oh diba?! atlis naliwanagan ang praning kong utak sa mga bagay-bagay sa mundo. basta, kailangan ko lang ng sapat na lakas ng loob para malampasan ang mga pumuwing sa aking mga mata. lalalalala :) (kunware kumakanta ko niyan, tanga!)

2 comments:

Anonymous said...

oh?
wag mong hayaan na masira ang buhay mo
sa mga tao na yan
always think positive

at nakita ko nga pala
na may nikon d3000 ka
honggondo ng camera
<3













.xienahgirl

PRANIIIIINGGGGGGGGGGERSSS said...

yun nga rin iniisip ko, ate xG, eeh kase kada araw nalang na makakasalamuha ko sila nasisira araw ko #-o sumasakit lang ulo ko at nawawalan ako ng ganang ipagpatuloy yung maghapon. anyways, thank you atee! hihi uu manghang-mangha nga ako sa camera ko eeh haha. nakakamangha rin ang presho. haha