ME: "Promise, patapusin mo lang ako sa mga problema ko, babalikan kita. Gusto ko lang munang makahinga ng maluwag bago ko gawin ang dapat kong gawin sayo. Nahihirapan narin ako eh. Ang sikip-sikip na. Alam kong malapit kana ring bumigay, unti-unti ka ng humihina.. kaya dapat siguro, palitan na kita."

Ang cabinet na sobrang linis!?
Hays! Sabi ko sa sarili ko, pagkatapos ng finals saka ako maglilinis ng kwarto pero ayan, tambak paren. Wala ng mapaglagyan. Hindi lang yan ang cabinet ko dito sa kwarto noh, may 3 pa. Tatlong cabinet na nagpapasikip lalo ng mumunting kwarto ko. Kainggit tuloy yung iba! Pwedeng tumambling sa mga kwarto nila samantalang dito sa kwarto ko, ni maglakad ata sa loob walang makakagawa kasi wala naman ng dadaanan eeh!
Shopping! Sakit ko na yan kaya sobrang dami ng damit ko sumasabog na 'tong cabinets ko. Ung iba, sige tambak dyan! sige tambak dito! Hindi malaman kung saan mapaglagyan. Nakakabanas nga minsan, hanap ako ng hanap ng mga nawawala kong damit yun pala natabunan na ng ibang damit. Bwisit na buhay yan oh-oh! Bakit ba kase ako pinanganak na tamad? Sabi ng nanay ko, "ano kaba, jhey, tanda-tanda mo na ang bura-burara mo!" yaknow mga nanay tlga.
House moving! Gusto ko na talagang lumipat ng bahay at ganun din si Daddy, si Mommy lang ang kontrapelo sa lahat. Puro pagtitipid ang alam samantalang ako lang naman ang only tyanak anak nia, anong dapat niang tipirin saken? sabagay, pang-shopping ko palang kulang-kulang pang-mortgage na. joke! O.A naman yun noh?! Twice in every two weeks lang naman ako mag-shopping kaya wala naman yun unlike yung ibang bata, everyday! Naku! Espesyali yung mga inchek dito, grabe mamile! Mukhang everyday ata nasa mall eeh, everyday naglulustay ng pera.
Dagdag basura nanaman ang cabinet ko pano nag-sale sa HCO (Hollister) kaya nde naman pwedeng palampasin 'toh noh?! minsan lang kame mapapadaan sa pacific centre kaya kelangan bilhin ang dapat bilhin! at kelangan ko nanaman ng panibagong cabinet dahil bumibigay na yung isang pinto ng cabinet ko. bottom left :( anyways, $154 + ang gastos, kamusta naman daw ang bulsa ng nanay at tatay ko?! Sabi ko gusto ko mag-work eh, ayaw nia, ahkei fine.
No comments:
Post a Comment