Saturday, June 19, 2010

bahay tambay tapos chismaks

Buti naman at sa wakas tapos narin ang eskwela. Hindi nako mahihirapan at tatamaring bumangon sa umaga. Tapos ko na ang aking mga final tests at thank you Lord dahil wala nakong ibang aasikasuhin pa kundi sarili ko. Pwede ng matulog mula 10:30pm hanggang 2pm at mag movie marathon. Swimming nanaman dahil summer na ulit pero pang-indoor lang ako dahil lalo akong mangingitim. Hays! Nagki-crave talaga ko ng super uber sa barbecue sa park. Nakapamili nako ng summer clothes pero san ko naman ggamitin eh la naman akong balak maggala dahil O.A ang tirik ng araw, baka lalo lang akong mangitim. Yun nga lang, hanggang pangarap nalang talaga ang kagustuhan kong pumuti. Not unless papa-Belo ako. Kaya lang mukang mahal. Wuhoo! Tambay nanaman sa Moody park hanggang sunset. Volleyball at badminton. Hays sarap ng buhay pag summer tapos wala pang pasok. Maglamwerda kung saan gusto, go go go! Sad thing is, magagawa ko pa kaya tong mga pinagsasasabi ko ngaung ganto tong sitwasyon ko? Wag mo ng tanungin, chismakers karin eh.

Aba't matagal-tagal rin pala akong hinde nakadalaw dito sa aking public diary. Heneweis, marame akong hindi naikwento sa inyo dahil super duper busy talaga ko sa eskwela. Grabe! Andaming nangyare sa buhay ko na nde ko naikwento dito. Sayang!

Pero sige, dahil mejo trip kong mag-puyat .. go go go na lang ako sa pagkwento ng mga short details tungkol saken these past few months. Nakakalungkot na nakaka-excite ang mga pangyayare saken. Nakakalungkot kase napakabata ko pa para humawak ng isa pang buhay. Nakaka-excite kase matututunan ko narin na lalo pang maging independent. Halo-halo yung emosyon na nararamdaman ko. Sa edad kong toh pinagkatiwalaan agad ako ng Dyos humawak ng buhay ng isang nilalang. Nakakagulat, i know, right? LOL Masaya naman ako dahil suportado ako ng pamilya at mga kaibigan ko. Pati narin "SYA", suportado naman nya. Keri lang ng bonggang bongga lahat ng pangyayare.

Nung una, mejo nakakatakot at mahirap pero habang tumatagal at habang kumukulit ang nilalang na 'toh, nakakatuwa at nakakasabik. Hays. tagal naman kase magpakita :( sana lumabas kana right away para makapaglaro tau!

No comments: