Wednesday, August 18, 2010

Regretful?

I don’t regret the things I’ve done, I regret the things I didn’t do when I had the chance.


Nakita ko 'toh sa profile ni Tita Mama (Lisa), isa sa mga taong na-disappoint ko, sa facebook. Napaiyak ako kasi parang gustong sabihin ng puso ko na,

I regret the things that I've done and the things I didn't do when I had the chance.


Ang labo lang rin talaga ng naging lagay ko sa buhay pero it doesn't mean na dapat akong sumuko. Lintek na! Kung susuko rin lang naman pala ako edi sana nung umpisa palang ng malaman kong buntis nako. Tuwing gabi, nde ko maiwasang nde mapaluha kapag naaalala ko kung gaano ako naging masamang anak. Lagi kong pinagdadasal sa Dyos na sana wag maging kagaya ko si Saint. Sana maging mabait syang bata saken, kilala mommy and daddy.

Ang hirap, sa totoo lang at habang ginagawa ko 'tong entry na 'toh umiiyak ako. Minsan, naiisip ko na magpa-abort nalang kaya para wala ng problema, para wala ng kahihiyan, para wala ng masabi yung iba, un bang para ok nalang lahat. Pero on the other hand, wala eh, si Saint gustong-gustong mabuhay. Galaw ng galaw sa tyan ko. HAH! Magkaron ka ba naman ng isang nilalang sa katawan mo na isang galaw lang na walang ka-effort-effort, mapapangiti't mapapasaya ka, mapatay mo pa kaya? Hindi dba? Parang pati ikaw mai-excite makita sya. Isa pa, walang kasalanan yung bata eh. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya ako dapat ang magdusa.

Tulad ng sinasabi nila, si Saint ang magiging bayad ko sa lahat ng kasalanan ko sa mga magulang ko.. at nde ko tatalikuran yon, magbabayad ako ng higit pa na bukal sa loob ko dahil gusto ko, for once, makita ng mga magulang ko na mahal ko sila.

No comments: