Thursday, August 27, 2009

KONPESYONS

Mga katanungang hindi ko alam kung kaya kong sagutin pero ibibigay ko ang aking da best, naxx, upang masagot ito.

Kahit minsan ba pumasok sa isip mong maging tomboy o silahis (bisexual)?
* Oo. Pumasok na pero pinalabas ko baka hindi ko makeri eh.

Napanuod mo na ba yung mga scandal ni Hyden Kho?
* Yung kay Ruffa Mae, Maricar, at Katrina lang, kasi yun lang naman yung mga videos na meron sa google eh. LOL I mean, sa tropa ko pala.

Virgin ka pa ba?
* Kung sasabihin kong OHI (oohindi), lolokohin ko lang ang sarili ko kaya LOL nalang.

Nasubukan mo na bang tumae sa mga public washrooms?
* Well, para san ba ang mga washrooms? Ihian at taihan diba? Kahit most of the time constipated ako minsan pag tinatawag na talaga sya ng kalikasan, hindi napipigilan. So in shorter meaning, oo.

Nangodigo ka na ba sa test o kahit sa quiz?

* I think so, lahat naman ng estudyante dumaan sa ganun eh. Kahit yata si Einstein eh. Pero talagang matatag ang motto ko na: "It's better to repeat than to cheat!"

Kung bibigyan ka ng pagkakataon upang may mabago ka sa buhay mo, ano yon at bakit?
* Nakaraan ko dahil yun ang nagiging dahilan ng pagiging shaky namin ng boyfriend ko at hindi malayong maging dahilan yun ng kahihiyan ng buong pamilya ko.

Sino ang prioridad mo kung tao ang pagbabasihan?
* Si Gino, ang boyfriend ko. Sad to say pero sya.

Naranasan mo na bang umutot kasama ng boyfriend/girlfriend mo?

* LOLERS. Kinukulong ko pa nga yung utot ko saka ko ipapaamoy sa kanya eh. Haha! Walang basagan ng trip.

Anong ginagawa mo kapag mag-isa ka lang?
* Mag-emo.

Ano ang pinaka pinagsisisihan mong pangyayare sa buhay mo?
* Ang maging bihag ng maling pananaw at ang magpa-daloy sa agos ng maling panahon. Kung masyadong malalim, wag ng intindihin.

Ilang beses ka ng nagmahal? Ano ang nangyare?
* Sa dinami-dami ng mga naging kasintahan ko, masasabi kong 2 beses lang ako na-inlove pero isang tao lang ang masasabi kong naging true love ko. Ang nangyare ay, malalaman mo sa pagbabalik ng ... joke! Sinagot na ng pangalan ko sa blog na 'toh.

Nangupit ka na ba o nagnakaw?
* Nangupit, oo. Normal naman yun sa mga bata. Lalo na kame na may munting tindahan noon, di maiiwasan yun lalo na kapag walang bantay. Pero nakaw? Ni sumagi sa isip ko, hindi. Di kaya ng konsensya ko.

Anong masasabi mo kay PGMA?
* Aminin mo nalang kasi na nagpa-boob job ka.

Eh kay Manny Pacquiao?
* Bilib ako sayo! Kahit hirap kang mag-ingles talagang kinarir mo at hindi ka nahihiya. Pero kaunting tingin sa pinanggalingan baka marami kang makalaban na hindi lang galing sa loob ng ring mo matatagpuan :)

Ano ang nakikita mo sa mga kabataan sa Pilipinas?
* 90% umaasa nalang sa grasya ng Dyos pero patuloy parin ang kantot (prangkahan! wag ng paligoy ligoy pa), paghithit ng yosi, pagsinghot ng droga, at paglaklak ng alak. At sa 90% nayun, sa 2015 kinakain na nila ang laman-loob ng isa't isa. 9% nagpa-panggap na may gusto silang abutin sa buhay pero mga wala namang kusa. 1% pilit nag-aaral ng mabuti para makaahon sa kahirapan at maabot ang kanilang mga pangarap.

Hindi nyo man ako sang-ayunan dyan, wala nakong pakielam. Totoo naman diba? Pilipinas na siguro ang susunod na 'China' sa dami ba naman ng nambubuntis at nagpapabuntis eh.

Minumura mo ba ang mga magulang mo?
* Sa tanang buhay ko, hindi pa. Kahit pabulong? Hindi. Pero tingin sakin ng tatay ko, bago ako makatapos ng kolehiyo baka natutunan ko na silang murahin. Pero kung alam lang nya kahit na nagkaron sya ng 'pangatlong kasiyahan' ni minsan hindi ko sya minura kahit 'SHIT KA!'

Anong personalidad ang ayaw ng mga kaibigan mo sayo na sinang-ayunan naman ng sarili mo?
* Well, ang sabi nila masyado raw akong nakaka-intimidate. Hindi ko alam kung in a bad way or in a good way. Masyado raw akong open sa lahat ng bagay at masyado akong maraming alam beyond sa kaalaman ng mga kasing-edad ko. I don't see anything wrong with being such an open-minded person. Masasabi ko na totoong marami akong alam beyond sa mga alam ng tao sa mundo na halos sing edad ko because it's all based on experiences :D

Emo ka ba talaga?
* Pag katapos kong maglaslas? Darn. It was proven that I am although hindi ako nag susuot ng mga kuloretes ng mga EMOTIONAL people.

It wasn't that hard :)

2 comments:

Walongbote said...

AwW! Naglaslas ka? Sakit nun! Hehe..

bkit nga bA may cr? Kung di naman tataehan. Kaloko ung tan0ng.

Praning said...

Oo. Hindi man kapani-paniwala pero naglaslas ako. Haha! Pero kahit masakit sya nakakaalis sya ng sakit na nararamdaman mo galing sa puso.