Hay! Kamuntik-muntik nanaman akong um-emo kaninang umaga ng mag-away nanaman kame ng bonggang-bongga sa telepono ni boyfriend. Buti nalang at ang Dyos talaga'y on call. Kagabi lang ako humingi ng himala, binigay nya kagad, wala pang bente kwatro oras. Na-lay-off nanaman sa trabaho ang tatay ni boyfriend kaya pinaghahanap nanaman sya ng trabaho kaninang umaga. Ang kaso, ang gusto nyang pag-apply-an, eh, talaga namang malayo. Mga 2 oras siguro ang magiging byahe kung pa-petiks-petiks kame. Gusto nya kasing sumama ako. Talaga namang kinarir nya ang pagiging bossing nya sa relasyon namin at ako naman, eh, kinarir ang pagiging inutil na gagang boba at talaga namang sinalo ko ang lahat ng katangahan sa mundo-- hinahayaan ko lang si boyfriend sa pagiging boss nya dahil 4 bwan nya palang naman nararanasan yun eh, ako 5 bwan ko naranasan. bwahaha!
Buti't kinarir rin nya ang pagiging wais at tumawag dun sa kumpanya na pinag-apply-an nila ng tropa nya nung nakaraang bwan at tumawag na pala yung kumpanya sa kanila last week at ate ni boyfriend ang nakasagot. Parehas kasi sila ng pangalan ng tatay nya kaya't mali ng intindi ang ate nya, kaya ayun! Imbes na last week pa sana sya nag-start, bukas palang pero ayus lang. At least, may trabaho na sya. Kung tatanungin kame, sinong blessed? Parehas! Sya, kasi kaka-lay off lang sa tatay nya kahapon tapos binigyan sya ng trabaho ngayon. Ako, kasi hindi na nya ko pag-iinitan dahil hindi na kame mamo-mroblema sa pagkikita dahil may pera na sya. Makakabili na sya ng bus pass! Yehey!
Gusto ko lang mag-pasalamat sa Dyos na dininig nya ang panalangin ko. Grabe talaga! Kagabi lang namin ipinagdasal ang pagkakakuha nya ng trabaho, kuha na kagad sya. Sana wag nyang sayangin ang oportunidad na 'toh ngayong hindi pa kame sigurado sa kalagayan naming dalawa..

No comments:
Post a Comment