Wednesday, September 16, 2009

FRIENDSTERS

Friendsters.

Nagtataka ako kumbaket kada mago-open ako ng friendster account ko, eh, andaming pending requests. Minimum ko siguro kada araw ang 3 hanggang lima at maximum ko ang 10. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung may video scandal ba ko't nakita ako ng mga tao sa scandal nayun kaya ina-add ako ng mga fifol in da Earth. O sadyang nagagandahan lang sila sa kadyosahan kong mukha kaya nila ako ina-add?! hmmmm .. alin kaya ang tama? hahaha. Echosera! Eh lahat naman ng video scandal ko, binayaran ko para hindi kumalat ehh. (PAUSO EH NOH?! Scandal nga eh, malamang kakalat yun kung meron talaga. amff)

At may nag-comment pa sakin na para raw akong si Lady Gaga eh samantalang hindi naman ako nagbi-bathingsuit ng glitters. Amff! Dami talagang echosera sa mundo ng friendster. Bakit nga ba talaga ako ina-add ng maraming strangers? This is so kaka-scary everrr. Poootaah! Ansagwa maging malandi. haha

No comments: