"Hindi mo dapat iniiyakan ang iyong nakaraan. Kaya nga nasa harap ang mata para lumingon ka sa hinaharap mo." - Doraemon (nakuha ko sa Plurk, pinlurk ng kaibigan kong si Totoy Icepick. - walang link)
Natutuwa ako kada makaka-meet ako ng mga trese anyos na mga batang babae. Lalong lalo na kapag nakikita ko na inosente pa sila at naglalaro pa ng barbie. Tipong wala pa sa isip para mag-boyfriend. Hindi gaya ko, 12 years old ako noon, parang inabandona ako ng mga tao sa paligid ko na dapat inaalagaan ako at tinuturuan ng mga wastong gawain. Yan tuloy, nabukas ang isip ko sa mga bagay na hindi ko pa dapat nalalaman. Nanghihinayang ako sa sarili ko. Hindi ako kagandahan, cute lang, pero alam kong maganda ang hubog ng pangangatawan ko. Marunong rin akong manamit at marunong sa eskwela. Sayang ... burado lahat yun ng dahil sa napakasalimuot na nakaraan ko.
Kaya lang, ano pa bang magagawa ko? Nangyare na ang mga bagay na hindi dapat mangyare at nagawa na ang mga bagay na di dapat gawin. Marami akong pagkakamali at alam ng Dyos na lahat yun pinagsisihan ko. Pinalo ako ng sobrang lakas ng Dyos na hindi pwit ko ang nasaktan kundi puso ko. Natauhan ako sa mga pangyayare sa buhay ko. Isa nalang ang nasasabi ng damdamin ko ngayon: iiyak mo lang.. iyak lang. Ganto bako ka-plastik? Sobrang masiyahin ako at mahilig magpatawa pagdating sa mga kaibigan ko, pero pag dating sa KANYA, wala na.. Deads na.
Noon, hindi mo ko makikitang malungkot o kahit sandaling sumimangot. Hinding hindi. Pero ngayon, kahit nagpapatawa ako, kitang kita mo ang bigat ng mga problemang dinadala ko. Ang sakit isipin na yung taong tingin mong po-protekta sayo, eh, sya pa yung taong nananakit sayo. Kanina, sa eskwela.. Eksayted akong ipagyabang sa lahat ang text message NYA saken: "kung masaya ka na lagi kitang namimiss yaan mo, lagi kitang iisipin para lagi kitang mamimiss para lagi karing masaya." Sa pagkakaalam ko, kagabi nya rin ipinangakong pipilitin nyang magbago at hindi na isipin ang 'NOON'. Wala pang bente quatro oras, umariba nanaman ang pagiging malupit nya sakin.
All I can say is, I'm in a defamatory situation. May bagay kameng pinagtatalunan habang naglalakad kame sa liblib na lugar malapit sa bahay. "Kumulo ang dugo" NYA at uuwi na raw sya. Sa kadahilanang ayaw kong magkahiwalay kameng magka-away, sinuyo ko SYA. Hinabol habol ko, pero lagi nya akong tinutulak. Ano namang lakas ko? Ang laki laki nyang tao. Maliit lang ako. Pero hindi ako nagpatinag, tinakbuhan nya ko. Parang tumakbo sya sa isang krimen na nagawa nya't hindi papahuli ng buhay. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko lubos maisip na ang taong mahal na mahal ko, tatakbuhan ako ng walang karispe-respeto. Nakita nya nang halos magkanda-hingal hingal ako kakatakbo para mahabol sya, hindi parin sya tumigil. Pero bago mangyare yun, nasampal nya muna ako. Sampal na hindi kalakasan pero sampal parin yun. Isang babae? Sasampalin ng isang lalake? WHAT THE FUCK?
Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngayon. Walang kaso sakin ang masampal o matulak. Ang kaso sakin ay kung anong dulot ng mga pagtulak, pagtakbo palayo, at pagsampal nayon. Parang unti unti akong natinag. Parang mahihimatay ako sa kinatatayuan ko ng makita kong tinakbuhan nya ko papalayo. Alam ko, tanga ko nalang kung babalikan ko pa sya. Pero sa relasyon na 'toh, ako ang may pinakamalaking kasalanan at kulang pa ang lahat ng nagawa nya sakin para mapatawad nya ko sa mga kasalanan ko. Teka, ano nga bang kasalanan ko? Nakaraan na hindi na pwedeng baguhin? O nakaraan na hindi NYA malimutan?
Payo ko sa mga batang magdadalaga na: Stay pure, save your dignity, and never lose your principles. Hwag magpapadala sa agos ng maling panahon. Totoo ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Isa ako sa mga nakapagpatunay at magpapatunay.

3 comments:
halaaa...ang sakit sakit sakit nun!=(
huhu..sana ok ka na ngayon..
ouch..
minsan kasi pag may di magandang nangyari, kahit ayaw mong balikan maaalala mo pa rin.
parang ako, galit ako sa isang tao. di kami magkaayos kasi naaalala ko mga masakit na nangyari.
iniiyak ko na lang pag wala kong magawa..
Ang masasabi ko lang tlga.. Ang tibay mo Jhey.. kahit sinasaktan kana niya iniisip mo lang na magiging ok kau kinabukasan.. na mamahalin ka prin nia tulad ng binibigay mo sknya.. hayss sana laht ng babae kasing tibay mo at kasing pasinsyosa mo kasi tingin ng mga lalaki sa atin mahina at emosyonal..
sana maaus na kau Jhey.. sana makalimutn na nia ung mga nakaraan mo dahil una sa lahat wla xa nung nangyari sau ang nakaraan mo labas na xa dun.. agree aq dun sa first part ng article mo d2.. kaya nga nasa harapn ang mata para lumingon ka sa hinaharap mo.. lalo lang kasing magkakagulo at masasaktn kapag lumingon kapa sa nakaraan.. sana maging ok na ang lahat .. :)
Post a Comment