Sa totoo lang ha, para 'toh sa mga lalakeng nagkalat sa daan. Kayo napaka nyo! Oo, lahat kayo. Jokes!
Sige, hindi ko lalahatin pero grabe talaga ang hindi nyo pagiging equal saming mga babae. Oo, babae ako. Kapag kayo ang nakapag-cheat sa isang relasyon, marami kayong palusot! Kesyo lalake lang kayo at nati-temp, kesyo nalibugan at wala kame sa tabi nyo dahil nasa malayo kame, kesyo lasing lang kayo kaya nyo nagawa yun, at kesyo kesyo kesyo-hin nyo mukha nyo! Churanes ha! Hindi porke sa mata ng maraming tao'y di tayo pantay eh ibig sabihin nun hindi na nga talaga tayo pantay sa mga mata ng Dyos. At isa pa, wag nyong gawing palusot ang pagiging lalake nyo kapag nakakagawa kayo ng mali sa isang relasyon dahil kung gawin kaya namin yung mga palusot nyo, okay lang ba? Hindi diba? Sasabihin nyo nanaman na "iba kame, kasi lalake naman kame eh." Leche! Lagi nalang yan ang naririnig ko kay BF. At hihirit pa yon ng, "walang fair sa mundo." Sus! Oh sige, wala palang fair edi hayaan nyo rin kameng gawin ang mga bagay na ginagawa nyo. Tignan natin kung maligayahan kayo!
Uulitin ko, hindi ko nilalahat. Naka-'nyo' lang ako dahil ayaw kong gumamit ng SPECIFIC words para i-describe ang mga taong pinatatamaan ko. Anyways, moving on, ayun nga... Kapag kayo ang na-devirginize, ok lang kasi lalake kayo. Pero kapag kame, hindi kasi babae kame. Kapag nakabembang kayo ng maraming babae, cool kayo. Kapag kame na-bembang ng maraming lalake, pokpok kame. Kapag marami kayong chikkas, proud kayoooo! Kapag marami kameng lalake, MALANDI. Ayos rin kayo noh?! Ampopogi nyo bakit di kaya kayo kumain ng bubog?
Isa pa, kapag uuwi kame ng gabi, bawal. Kapag kayo, pwede. Oh sige, exempted yan dahil may punto naman kayo na hindi naman kame kasing lakas nyo para makalaban sa mga taong mangha-harass samen sa daan. Pagbibigyan ko kayo dyan. Eto eto eto eto pa ang pinaka talaga naman. Kapag kayo, pwedeng magka-girlfriend at legal, masaya pa ang TATAY NYO. Kapag kame, BAWAL kundi bubugbugin ni DADDY. Kailangan pang mag-intay ng isang milyong taonnnn bago maging PWEDE! Dyahhe! Sakit sa braincells ha.
Umayos-ayos kayo sa mga dahilan at palusot nyo dahil isang beses ko pang marinig yang "IBA KASI AKO, LALAKI NAMAN AKO." mangongonyat na talaga ko.
No comments:
Post a Comment