Hindi ako makapaniwala na sa pagkakataong 'toh, maaamin ko sa Mommy ko ang masaklap na nakaraan ko. Nagulat ako sa reaksyon nya, bilang Ina marahil makukuha mong bugbugin ang anak mo kapag nalaman mo na sa murang edad nawala ang kainosentihan nya sa mundo, pero ang nanay ko? Sakit, lungkot, galit – mga bagay na naramdaman nya pero mas inuna nya ang pang-unawa at pag-intindi. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't nasabi ko sa kanya yun pero alam kong sumabog na talaga ang damdamin ko kaya ko sinabi ang kalunos-lunos na pangyayare noon sa buhay ko. Hindi ko alam kung mas lalo kameng tatatag – hopefully makayanan namin. Isang bagay na tumatak sa isip ko na sinabi ni Mame: “Basta isipin mo na hindi ka accountable sa ibang tao, kay God ka lang accountable. Ang sasabihin ni God ang mas importante. Kakayanin ko 'toh, tutulungan tayo ni God. Wag kang magpaapekto sa nangyare sayo. Nakayanan mong itago yan ng ilang taon at dalhing mag-isa, wag kang patitinag.”
Aja Praning! Aja! Kaya ko 'toh. Eto ako ngayon, nakikigaya sa status ni Choknat "CHANGING.." yess! hihi.
Aja Praning! Aja! Kaya ko 'toh. Eto ako ngayon, nakikigaya sa status ni Choknat "CHANGING.." yess! hihi.
2 comments:
at least jhey nasabi mo na sa mami mo at nalaman mo kung ano reaksyon nia 2ngkol dun. im proud of u na may confident na sabhn sa mami mo un. hirap i-open up kc yung mga bagay na yan pro u did it. at naun may tiwala ka na sa mami mo at pwede mo ng i-open up kung ano man gs2 mong sabhn sknya. :) at least nwalan ka n ng isang problema. :)
wow naman..congratz..ang hirap umamin lalo na sa parents pero kahit di ko alam kung anu ung inamin m..saludo ako sa'yo! haha..:D:D kya m yan..aja aja!
Post a Comment