(Umaga hanggang a-las 3)Hapi brthsht to me! hapi birthsht to me! hapi birthsht hapi
birthsht.. hapy birthsht to me!
Maligayang kaarawan para saken. Dapat bakong maging masaya? Para kasing wala akong maramdamang saya .. Tuyot ang araw ko, wala ako sa mood, badtrip sakin si bf, wala akong ibang pupuntahan, uuwe, matutulog, mag-aaral.. parang di ko birthday. Mas masahol pa 'toh sa mga normal at regular na araw ko. Parang bored na bored ako sa araw ng birthday ko. Hindi ko sya matawag na regular na araw ko kasi hindi naman ako ganto kapag regular na araw eeh. Wala akong maramdaman. Ang manhid ko ngayon, may nagbigay ng regalo sakin (thanks ate tins and g) pero hindi parin ako masaya.. Parang gusto ko lang matulog. Ang tagal pa ng oras sa Computer Programming class ko, nyeta! Wala pa man din ako sa mood magtata-type. Sumasakit ang ulo ko.
(3pm - 8pm)
In fairness, umayos-ayos naman ang araw ko. Nanuod kame ng movies ni bf, nag-ikot sa mall at kumain. Bumili ng regalo para sa 2 kong kaibigan na nag-birthshit din nung mga nakaraang araw. Si bf may regalong 16 pcs na Ferrero (saka na raw yung mas marame kasi may ubo pako), sweater from my peborit clothing store (Off the Wall), at a date sa fright night sa Friday! Oct 30 pa raw kasi ang pay check. Dalhin ko raw sya sa XXI (fashion clothing store) sa Nov 14 para raw bilhan nya ko ng damit. Hmf! Sumasabog na nga aparador ko eeh. Baliw talaga yon. Anyways, masaya naman kame.. Napipikon na sya minsan kasi nga bitchy ako pero syempre, sorry nalang birthday ko eh. hahaha
MARAMING SALAMAT PALA SA PARENTS KO. KAHIT WALANG PARTY THANKFUL AKO KASI NAKUHA PARIN NILA KONG ILABAS! I'M SO LUCKY TO HAVE YOU GUYS. MWAKKS!
No comments:
Post a Comment