Thursday, December 10, 2009

Maskara


Kanina sa Computer Programming Class ko, I was doing this lesson entitled "Masks People Wear". Medyo natamaan ako sa isang article sa google (kailangan ko kasi mag-research ng tungkol sa lesson na yun) na ang sabi dun, may ibang tao na sobrang dami ng maskarang sinusuot kada araw at iba't ibang maskara ang sinusuot sa pakikisama sa iba't ibang klase ng tao at tinawag ng writer na 'toh na SUPER HUMANS ang mga taong tinutukoy nya kasi kaya raw magpalit ng maskara nitong mga super humans na toh ng napakabilis kapag ibang tao na ang nakakasalumuha. Masasabi ko lang, narealize kong isa ako sa mga SUPER HUMANS na sinasabi nung writer. Bakit? Kasi lagi kong dini-deny sa sarili ko na totoo naman ako sa iba pero ang totoo talaga minsan napa-plastikan narin ako sa sarili ko. Dati ang dami-dami kong kaibigan, ngayun .. isa-isa na nila kong tinatabla. Hindi man nila sabihin saking nilalayuan nila ko pero alam kong nilalayuan na talaga nila ko. Masakit para sakin kasi sa sitwasyong 'toh akala ko sila lang kasi ang makakaintindi sakin pero it turned out sila pa pala yung hindi nakakaintindi sa sitwasyon kong WALANG WALA ako kahit na sino. Eto yung sitwasyon na gusto kong hilahin nila ko pataas uli at hindi iwang nakalugmok sa lupa.

Galit ako sa inyo, malalaman nyo naman na kayo yung tinutukoy ko kasi makakaramdam kayo ng guilt pero hindi guilt ang gusto kong maramdaman nyo. Gusto kong maramdaman nyo na kailangan ko kayo. Kailangan ko kayong maging totoo sakin kasi the more na pinaplastik nyo ko, the more rin akong nagpapaka-plastik sa sarili ko na kaibigan ko parin kayo kahit hindi naman na talaga. Wag nyo kong lokohin, harap-harapan ko namang nakikita eh. Kung may ayaw kayo sakin at kung totoong tao kayo, lumapit kayo sakin at sabihin nyo yung TOTOONG nararamdaman nyo HINDI yung pag-uusapan nyo at ikakalat sa lahat (tulad ng ginawa ng isang magaling na nilalang sa mundo na tinuring kong kapatid) bago pa makarating sakin.

Drama? Oo, drama nanaman. Isn't it tiring? (to be continued..)

No comments: