Ng malaman ko kagabi na ngayong araw sasabihin sa simbahan yung sitwasyon ko, parang ayoko ng gumising kaninang umaga. Parang napako ako sa higaan ko at ayaw kong tumayo. Pero ganunpaman, kailangan talaga. Hindi ako natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ang kinatatakutan ko, eh, kung ano yung sasabihin nila tungkol sa mga magulang ko na walang kasalanan sa pangyayareng toh. Unang una, ako mismo ang gumusto neto at hindi ang mga magulang ko. Ayokong sila ang sisihin ng mga tao at sila ang matahin.
Nung nakita ko ng ako nalang ang nde sumasakay sa sasakyan, dun umarangkada ung kaba sa dibdib ko. First time ko kayang dagain sa buong buhay ko. Hindi ko ini-expect na ganto pala yung feeling kapag ihaharap ka sa tao na nagkasala ka. (NAKARAAN ANG 15 MINUTES NA BYAHE) Pababa ng simbahan, naiiyak na talaga ko. Kinakabahan pero nagpapasalamat ako at maraming tao ang sumusuporta saken para sa pangyayareng 'toh. At lumipas rin ang mensahe ng pastor namin. Eto na, my time to shine. LOL Pinapunta kaming pamilya sa harap at si Fader ang nagsabi sa madlang people ng sitwasyon ko. Punong-puno ng iyakan sa simbahan pero at the same time marami ring nag-celebrate at nag-congrats saken dahil nga mommy nako! Yehey!
I thank God for giving me and my family the strength to stand firm and keep our heads high. I thank God for touching the peoples heart. I thank Him for their understanding of the circumstances that my family and I are going through this past few months. Wish ko lang na ung suporta nila sa pamilya namin, especially ni God, never mag-fade. Hindi ko alam kung gaano karaming pasalamat ang kaya kong sabihin sa Dyos. Sa pag-alis nya ng pasanin namin. Malaking bawas sa stress 'tong nangyareng 'toh. Ngayon ko na-realize ang tunay na suporta at tightness ng mga Kristyano pagdating sa mga gantong sirkumstansya. At ako? patuloy lang ang agos ng buhay. Mahal na mahal ko si Kitikiti (baby kooo!)

No comments:
Post a Comment