Sunday, July 25, 2010

kuyang pogi.

nagising ako at ikaw ang panaginip ko. shet!
minsan lang naman ako lalande at alam ko namang jontis nako kaya pagbigyan nalang, ukei? grabe! sa dinami-dami ng lalakeng nakipag-usap saken randomly, sya na ang pinaka-cute. cute lang, ayoko masyado i-emphasize yon kase kinukumbinsi ko ang sarili ko na cute lang talaga sya at nde sya gwapo lalo na nung ngumiti sya ng bonggang bongga (sinong niloko ko?). ampuputi ng mga ngipin at lalo na ang balat nia. diko lubos maisip na makikipag-usap sya sa isang negritang kagaya ko.

Big Orange, dyan kame nagka-usap ni kuyang pogi. buti't naisipan kong kuhanin ung card ni mader, na may libreng isang bubble tea, dahil kung nde, nde ko mami-meet si kuyang pogi. isa lang ang libre sa bubble tea pero nagpabili pa si mader ng 2, para sa kania at para sa friend nyang si tita babes. pagkatapos kong um-order, dumirecho ako sa waiting area kunsan inaabot nila ang mga orders ng biglang paglingon ko sa counter, nakita ko ang isang prinsipe. shieet! muka syang half kano at half inchek beho kaya gwapo este cute, cute lang ukei? mukang mayaman dahil napakalaking Plenty shopping bag ang dala. iniwas ko ang tingin ko kasi baka mag-feeling sya na crush ko sya kahit totoo naman. papalapit na rin sya kunsan ako nag-iintay ng order ko.

lumipas ang bente segundo..

KUYANG POGI: "how are you going to carry all of that?" (sabay smile na may konting tawa) lumingon muna ako sa likod ko at nagbaka-sakaling iba ung kinakausap nya pero NDE, akez tlga!

ME: "uh. I don't know. probably ask for a tray or something." (sabay ngiti ng tipid at tawa ng konte.) akala ko tapos na ung conversation naman ng biglang bumanat pa si kuyang pogi..
KUYANG POGI: "do you work here in the mall?"

ME: "nah, i don't. i wanted to but too lazy. i just went here to shop. how bout you?"

KUYANG POGI: "me neither. uh.."

mukang may sasabihin pa sana sya kaso biglang tinawag nako ni ateng tindera. sa tinagal-tagal kong nabuhay sa mundo na may kakapalan sa muka, dun lang tlga ko nagmadali ng sobra para kuhanin ung order ko at umalis na dahil sa hiya (o kilig?). pag kuha ko ng order ko, nag-thank you lang ako dun sa babae tapos umalis na at nde ko na tinapunan ng tingin pa si kuyang pogi dahil baka lalong mag-feeling hahaha. nde, sa totoo lang, kinilig tlga ko ng bonggang bongga. dahan-dahan pa nga akong naglakad pababa para masundan nia ko kaso nde pa kasi tapos ung order nia. haaays, alam ko, jontis ako pero nothings impossible naman to God. HAHAHAHA naku! nde pa kasi hiningi agad number ko, nde naman ako madamot.

2 comments:

ad1kgurL said...

kinikilig ako habang nagbabasa. XD malay mooooww. siya na pala yowwwn! :)

PRANIIIIINGGGGGGGGGGERSSS said...

sana nga! hahahaha.