Friday, August 28, 2009

AWA

Habang dumi-dyebs ako kanina at nagi-internet, oo nagi-internet ako sa loob ng banyo kaya walang basagan ng trip, may natanggap akong tawag mula sa aking pinakamamahal na boyfriend. I mean, ex.

EX: "May sasabihin ako."
ME: "Hun, tumatae ako. Di ba pwedeng mamaya nalang yan?(pa-tweetums na boses)"
EX: "Hindi."
ME: "Ano ba yun?"
EX (long pause): "Diba these past few days lagi kitang nasisigawan or laging umiinit ulo ko sayo kahit naiintindihan kita. Ambilis kong magtampo sayo kahit na wala ka namang kasalanan or kahit may sense naman yung mga dahilan mo. Hindi ba parang unfair sayo?"
ME (kabado. speechless. here we go again.)
EX (buntong hininga): "Naaawa lang kasi ako sayo. Parang grabe na."
ME (malungkot): "Hindi naman ako nagri-reklamo ah."
EX: "Alam ko pero ayaw ko ng paabutin 'toh ng 9 months kasi wala rin namang patutunguhan 'toh. So ano? Tigilan na natin?"
ME (ouch!): "Kung anong gusto mo, sige, yun narin ang gusto ko."
EX: "Pabor naman sayo 'toh eh."
ME (sa sarili ko: BAKA SAYO LANG PABOR.): "Ok."
EX: "Salamat sa ..."
ME (phone off.)

after 10 secs. (RING RING RING)

ME: "Hello?"
EX: "Sana wag ka ng tatawag sakin kahit kailan ha? Wag mo narin akong guguluhin."
ME (wtpage?! kapal ha.): "Ok." then phone off.

after an hour. (RING RING RING)

ME (silence)
EX: "Tumawag ka raw?"
ME: "Hindi ako tumatawag sayo."
EX: "Sabi ni Ate tumawag ka raw."
ME: "Di nga ako tumatawag sayo."
EX: "Teka." (nagtanong sa ate nya)
EX: "Si Bryan pala."
ME: "Ok."
EX: "Yung singsing mo, kelangan mo pa ba?"
ME: "Di na."
EX: "Sana yang angas mo madala mo hanggang mamayang gabi ha?!?!"
ME: "Anong angas?! Wala naman akong ginagawa sayo ah!"
EX: "Hindi. Sana ganyan ka hanggang mamayang gabi. Wag mo kong iistorbohin ha?!"
ME: "Oh sorry kung istorbo pala ko sayo."
EX: "Oo. Istorbo ka!"
ME (phone off.)


Oo. Break up nanaman. Walang katapusang break break break. Nakakasawa. Porket hindi ako nagmamakaawa, maangas na raw ako. Gusto nya kasing naririnig parate na "please. wag mo naman akong iwan." Kaso ngayon? Marinig ko yung salitang awa? Naawa lang sya sakin? Hindi ko kailangan nun. Wala man akong bestfriend sa mundo pero hindi ko kailangan ng awa nya. Hindi ko kailangan ng taong kaya lang ako pinagtyatyagaan dahil naaawa sya. Masakit. Alam ko nararamdaman nyo kung anong nararamdaman ko. Marinig ang salitang 'awa' sa taong mahal nyo? Damn! Para kang sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha at para kang nauntog sa pader. Kagabi nya pa sinasabi sakin na may part na naaawa sya sakin dahil nga sa kalagayan ko sa buhay (hindi kame mahirap. mayaman kame :P). Naintindihan ko pa yun. Pero yung awa na iba ang kahulugan? Ang sakit nya! Hindi man ako umiiyak pero natutulala ako. Paulit-ulit kong naririnig yun.

"Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao pag nawala sya sayo. Pero bakit kailangan mo pa syang hayaan mawala para lang malaman mo ang halaga nya?"

3 comments:

tintin said...

hey jheymie di ko alam kung panu ko mag rereact sa sitwasyon mo sa ngaun..

pero masasabi ko lang ay sana maging ok ka na.. and palagi ko pinag dadasal na sana matapos natong kahibangan na nanyayari sa buhay mo...

at kung my isa man taong makakapag pasaya sayo un ung taong tunay at totoong minamahal ka aun lang:_

yeye said...

nabasa ko ung 9months na un...dumugo nanaman puso ko.

heniweis...9months na rin ang nakalipas. 9 months na rin akong single. mula sa 9 months na relasyon. oh i labb 9 months so much :)

gagu lang pala siya eh.
angas na ba yun
bakit ganyan sila lagi
gusto nila tayo magmakaawa
neknek nila noh


salamat sa pagdalaw sa idlip.net :)

Praning said...

Oo. Ganun talaga pag sinanay na nagmamakaawa ang tao sa kanila. Gusto nila parati nalang magmakaawa. Bwisit talaga.

Walang anuman hehe.