Marami ng nakapag-sabi sakin na ang 'taong para satin' raw ay hinihintay lang dahil kusa naman raw yun na darating. Pero paano nga naman kung parehas lang pala kayong naghihintayan? Edi hindi nyo na nahanap ang isa't isa, diba? Pero paano kung hinintay mo ng pagkatagal-tagal na mahalin karin nya pero ang lumalabas eh pinagsisiksikan mo lang ang sarili mo sa kanya kahit alam mo namang hindi ka nya mahal?
Ouch. It hurts. Naiintindihan ko.
Sa ganyang sitwasyon, dapat ikaw na ang kusang bumitaw sa isang bagay na pinanghahawakan mo ng bonggang bongga dahil ang pag-aralang mahalin ka ng taong hindi mo lubos maisip na mamahalin ka ay kasing hirap at kasing sakit ng pagtya-tyani ng buhok sa tumbong. It takes a very long time at depende pa yun sa mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. Minsan, enough is not enough. Maraming proseso ang pagdadaanan mo bago mo makuha ang pagma-mahal nya sayo at minsan kahit sa hinaba-haba ng prosesong pinagdaanan mo, wala parin talaga. Itlog parin ang pagmamahal nya sayo. Itlog na nilaga dahil wala itong laman kundi protein. LOL
Bakit nga ba kailangang bumitaw? Eh kung ibalik ko ang tanong sayo? Bakit kailangan mong hintaying mahalin ka rin nya at lubusan mong idikdik ang sarili mo sa kanya kung alam mong wala naman talaga syang nararamdaman para sayo? Sakit sa ulo non ha. Alam kong hindi ko naman nagagawa ang mga bagay na sinasabi ko sa kadahilanan ng sobrang kabaliwan sa pag-ibig. At tantya ko, ganto rin ang mamano-manong mangyare sayo kapag hindi mo tinigilan ang kahibangan mo. Dati rati'y yan ang bagay na ayaw na ayaw kong ginagawa, ang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin. Wtpage! Ni isang segundo hindi sumaglit sa isip ko yang bagay na yan pero nangyare. PERO NANGYARE. PERO NANGYARE. Sucks diba? Darn.
Saka mo lang maiisip na .. sana hindi ko nalang pinilit. Sana hindi ko nalang inintay. Sayang lang ang ganda ko pa naman! Edi sana mas marami pang nabiktima 'tong gandang 'toh. Mahirap at malaking pasanin sa likod ang mag-intay na mahalin o gustuhin ka ng taong mahal o gusto mo. Hindi na malaking kwestyon yan kung bakit dahil napaka-obvious ng sagot: uso naman na ang tanga ngayon. Pero hindi ko sinasabing porket nag-intay ka, o nagpumilit ka ibig sabihin nun tanga ka na. Pero proccessing na ng pagiging tanga yon. Kaya dapat sa umpisa palang tigilan na dahil nakakabobo. Sa totoo lang, sa mga palabas, laging nangyayare yung ipagsisiksikan nung isa yung sarili nya tapos gagawin nya lahat para lang mahalin sya and then happy ending. Pero nasa REAL WORLD tayo. Real world kung saan madalas tayong nakakaranas ng pain and suffering. Especially sa pagmamahal pero number one parin ang pera. Kung alam mong mali na ang daang tinatahak mo para sa taong yan, tigilan mo na. Hindi pagmamahal yan.

1 comment:
nakkaalungkowt nmn :(
Post a Comment