Wednesday, September 2, 2009

NAKARAAN

Maraming lalake ang nagdaan sakin buhat ng dumating ako dito sa Canada. Hindi ko alam na dapat pala MARUNONG ka sa mundo ng Canada bago ka makihalubilo sa mga tao. Inosente pa ako noon at walang kaalam-alam kung paano ang daloy ng panahon dito. Ang gawain ko lang naman kasi sa Pinas, eh, ang maglaro ng tumbang preso, tagu-taguan, mataya-taya, patintero, atbp. Pag dating ko dito hindi ko alam na marami pala akong dapat baguhin sa sarili ko dahil malayong-malayo sa buhay na kinagisnan ko ang buhay na tatahakin ko dito.

Hindi ko pwedeng isalaysay ang buhay ko noon dito sa blog na'toh. Ang masasabi ko nalang ay, napaglaruan ako ng tadhana. At mali ang pagsabay ko sa agos ng buhay ng tao rito.

Awang awa nako sa sarili ko pero sige parin ako ng sige sa relasyon namin. Kala ko kasi may pag-asa pang makalimutan nya ang nakaraan ko pero hindi. Lagi nya akong dinidikdik tungkol sa nakaraan na hindi naman na kasi mababago't bakit kailangan pang pag-usapan. Kada pag-uusapan kasi namin ang nakaraan, lagi na syang naha-highblood lalo na kapag ang sagot ko sa kanya eh 'hindi ko na maalala'. Dapat raw naaalala ko yun. Ang daming dapat. Hinihiling ko nga sana minsan na magpalit kame ng katayuan para maramdaman nya yung nararamdaman ko. Para malaman nya na hindi ko na talaga maalala ang mga detalye sa buhay ko.

Ng dahil sa punyetang nakaraan na yan, nagawa nya kong murahin, sigawan, at saktan. Tanga ko lang kasi andito parin ako para sa kanya. Gusto ko syang tulungan dahil malaking bagay ang nasira ko sa kanya - sinisi nya sakin ang pagka-bagsak nya sa eskwela. Hindi naman parating masama ang ugali ni EX BF. Ako rin siguro ang may gawa ng malaking multo ko ngayon. Pero bakit hindi magawang bitiwan ng isip nya ang mga pangyayare sa buhay ko? Nagpakilala raw kasi ako ng ibang tao sa kanya nung una kaya talaga namang nainlab sya ng sobra. Sa totoo lang, may part na tama sya pero hindi ako sasang-ayon dun. Minahal ko rin sya ng bonggang bongga. Hindi pa ba sapat na tablahin ko lahat ng mga kaibigan ko para sa kanya?

Lagi nya kong kinukumpara sa ibang tao.
EX: "Siguro yang babae na yan, hindi sya katulad mo. Malamang, nabantayan ng mabuti yan."
Di nalang ako umiimik. Masakit. Pero hinahayaan ko nalang.

Pinanganak siguro akong inaapi at nagpapa-api talaga. Sa pakikipag-away lang naman ako expert hindi sa pakikipag sagutan. Ayaw ko kasi ng maraming satsat. Sa totoo lang, nahihirapan na talaga ko. Cool off na daw muna kame ng 1 Linggo. Sige, pagbigyan. Ganun naman parati. Tignan nyo, mamayang gabi kame nanaman uli. Wala eh, tanga si Praning eh.


Happy Anniversary sa aking lumang blog na si Dear Diary !

No comments: