"Tatag talaga ng bunbunan mong hinayupak ka! Ipagpalit daw bako sa bubble tea at tropa? Kasasabi ko lang sayo, masama ang pakiramdam ko. Hindi mo ba inisip na baka ikaw ang gumamot sa panghihina't sakit ng ulo ko? Kung sabihan mo ako na nakakabwisit, parang ikaw di ka nakakabwisit, ah?! Kung sigaw-sigawan mo ko parang hindi mo ko girlfriend ah. Nako! Kung di nga naman talaga't swerte ako sayo, noh? Ambait mo eh. Kulang nalang suntukin mo ko sa boobs tapos sipa-sipain ako sa ulo. Di ko na kaya yung mga ginagawa mo sakin. Tangina! Idadahilan mo sakin na minsan na nga lang kayo magkasama ng mga tropa mo.?!Minsan nga lang pero tangina 35hours naman. Atsaka minsan pa ba yung nagkasama-sama kayo nung Linggo? Haler! Martes lang kaya ngayon! Hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang sarili ko. May trabaho kana nga bukas at madalang mo nalang siguro akong makakausap, inuna mo pa sila? Ako lang yung nasa tabi nung kinekelangan mo ng ka-chill, kausap, kakwentuhan, at kasama! Asan sila? Busy sa work! Ako? iniwan ko mga katropa ko para sayo. Nung Linggo? Birthday party ng tropa ko, hindi moko pinayagan. Pinagbigyan kita dahil nakainom ka, baka mag-wala ka pa. Pero bakit ako? Hindi mo ako mapagbigyan?! Iniintindi naman kita eh pero bakit ako di mo kayang intindihin? Tangina mo naman! Gumising ka nga sa katotohanan na ako lang ang magtya-tyaga sayo at kapag hindi mo tinigilan yang ka-kupal-an mo baka mawala pa 'tong nag-iisang maniniis mo! Leche!"
Blessed? Sya siguro, oo. Pero ako, hindi. Mali talagang paikutin mo ang maliit mong mundo sa isang tao. Mali rin sigurong gawin mo lahat para sa kanya. Tulad ng: Ilibing mo sa lupa ang pride mo, tanggalin mo ang mga prinsipyo mo sa buhay, at unti-unting alisin ang lakas mo bilang babae. Wala nakong palag, at pakiramdam ko wala nakong karapatang pag-bawalan sya. Hindi pala pakiramdam, isang katotohanang mahirap paniwalaan -- wala akong karapatan sa lahat ng bagay (di pwedeng pag-bawalan kasi wala naman syang pakielam sa desisyon ko; kaya nyang gawin kahit sabihin kong wag, di pwedeng magalit o magtampo kasi ibabalik nya sakin ang nakaraan ko at sasabihin nyang wala akong karapatang mag-angas kahit ako yung tama, di pwedeng umiyak kasi naaartehan sya at nada-dramahan, at marami pang hindi pwede, leche!). Wala akong kawala. Para kong nasa bilangguan, nasintensyahan ng reclusion perpetua (habang buhay na pagka-bilanggo). Walang paraan upang tumakas.
Ang gago naman ng buhay minsan, pero bakit hindi ko makuhang bumitaw? Pagma-mahal pa ba 'toh o takot na baka pag-gising ko kinabukasan hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang araw ko ng wala na sya? Ang hirap maging biktima ng baliw na pag-ibig. Nakaka-praning. Nakakasuya. Tipong suko ka na pero pinipilit parin na pwede pa. Payo ko sa inyo: magtira kayo ng para sa sarili nyo dahil oras na ibinigay nyo lahat, wala na kayong mahahalungkat para sa sariling nyong kapakanan.

3 comments:
JHEY, NATAPOS MO NABA YUNG IMPORT MO? AKO, KINAPI PASTE KO NA LANG YUNG BLOG KO SA FRIENDSTER. KONTI LANG NAMAN XA EH. KATAGAL TALAGA NG IMPORT HND NA AQ MAKAPAGHINTAY.. HEHE.. I HOPE TAPOS KANA.. ;)
ikaw lang din ang makakasagot
sa sariling tanong mo
alam mo naman yung sagot
ang kaso mo
natatakot ka lang
:P
@ xG:
Super takot :( Alam ko kasing hindi ko sya kayang mawala pero yung word na DAPAT kasi ang nasa isip ko. Dapat ng tigilan :(
Post a Comment