Nawala ako ng 2 araw at 2 gabi dahil binulong sakin ng Dyos na kailangan kong sumama sa camping ng Church namin. Siguro kaya Nya dinala ang mga paa ko sa camping na yon ay dahil may plano Sya at may mensahe Syang gustong iparating sakin.
Alam ko na sa buhay ng bawat taong nadito sa mundo, dumarating yung mga oras na wala na kayong matakbuhan, sobrang dapang-dapa kayo, at gusto nyo na lamang mawala sa mundo sa kadahilanang 'hindi nyo na kaya'. Bakit ko alam? Yun ang napapagdaanan ko ngayon, o sabihin na nating bago ako umalis para sa camping, at nararamdaman ko ang nararamdaman nyo. Babahagi ko sa inyo ang isang kwento sa buhay ko nitong nakaraang araw lang:
Gabi nun, down na down ako at dumating ako sa puntong kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at sinubukan kong tusuk-tusukin ang tyan ko gamit nito. Pero hindi naman yung tusok na malakas. Mga tusok lang na hindi nakakasugat. Iyak lang ako ng iyak at hindi ko magawang sumigaw sa kadahilanang mambubulabog ako ng mga taong mahimbing ng natutulog. Gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko! Pagkatapos ng mga ilang subok na malakasan ko ang pag tusok ng kutsilyo sa tyan ko, parang bigla akong bumalik sa katinuan ko at mabilis kong ibinalik yung kutsilyo sa pinagkuhaan ko nito. Bumalik ako sa kwarto, nagkulong, at dun ako humagulgol. Biglang parang may bumulong sa tenga ko na, "Hindi ka nag-iisa, andito Ako." Dun ako lalong natauhan at sinabi ko sa sarili ko na, "Oo nga pala noh?! Andyan pa ang Panginoon. Bakit ko nga ba binubuhat ng mag-isa lahat ng problema ko? Andyan naman Sya para tulungan ako." Nag-dasal ako, iniyak ko sa kanya lahat-lahat-lahat ng sama ng loob, problema, at kung ano-ano pa! Ang sarap ng pakiramdam dahil alam kong nakikinig sya at nararamdaman Nya kung anong pinagdaraanan ko. Pagkatapos ng pagdadasal ko na yun, nakatulog ako. Mahimbing na tulog na alam kong hindi hahayaang mabulabog ng pagkakamali ko sa nakaraan.
Isang aral na matututunan nyo sa mga problema sa buhay: Andyan ang sangkatutak na problemang hindi lumulubay satin pero isa yan sa mga bagay na magpapatatag satin. Ako? Kung ano man ang nakaraan ko, alam kong yon ang tumulong sakin upang maging ganto ako ngayon. Hindi tayo susubukan ng Panginoong Dyos kung alam nyang hindi natin kakayanin. Andyan lang naman Sya, eh, binabaliwala lang natin. Kung tingin nyo, hindi nyo na kaya, bakit hindi nyo subukang ipagdasal sa kanya lahat?! On call ang Dyos 24 oras at 7 araw/gabi. Isipin nyong, mahal na mahal Nya kayo at hinding-hindi Nya kayo pababayaan.
Kaya't payo ko sa inyo, IPAGPATULOY lang ang buhay. Mahalin ito habang andyan pa, dahil ang buhay natin ay hindi atin. Ito'y isang bagay na pahiram lamang kaya't gawin nating makulay. Habang may pagkakataon pa, bakit hindi natin gawing maliligaya ang mga araw na meron pa tayo. Ipagpatuloy lang... that's life, it sucks most of the time but that's how it is. Deal with it.

No comments:
Post a Comment