Friday, August 21, 2009

ISANG MALAKING TANGA!

Hindi ko alam kung bakit pa ako binibigyan ng Dyos ng mga dahilan sa mundo para mabuhay. Puro sakit lang naman ang binibigay nya. Eto na yata yung mga panahong hindi ko na magawang solusyunan lahat ng problemang binibigay nya, pero sino ako para kuwestyunin sya, hindi ba? Nakipag-hiwalay nanaman si boyfriend, yung napakagaling kong boyfriend na walang ginawa kundi ang paiyakin ako at saktan ang sensitive heart ko, at with matching blackmail pa na isusumbong nya raw ang mga kaululan at kalokohan ko noon pati ngayon sa parents ko.

Ayus na sana kung hihiwalayan nya lang ako, eh, ang kaso magsusumbong pa sya. Para daw talagang kalimutan na at wala na syang makuhang dahilan upang tawagang muli ako o kitain kasi syempre kapag nalaman ng mga magulang ko yung mga kagaguhan ko sa buhay, edi tigoooks! Grounded forever na siguro ako nun at kamumuhian nila ako ng bonggang bongga. Napapaisip tuloy ako, "Sana noon ko pa tinanggap yung pakikipaghiwalay nya." Pero sa totoo lang, noon kasi hindi ko kaya dahil talaga namang magaling sya sa kama. Joke! Ako ang emo-ng malibog. Pake mo? Siguro kaya hindi ko sya makuhang iwan noon ay sa kadahilanang mahal na mahal ko talaga sya at gusto kong maranasan nya kung paano mag-mahal ang babaeng katulad ko.

Ang gago ng tadhana talaga. Karma's a bitch, ika nga nila. It's payback time for me sa lahat ng kagaguhang ginawa ko noon sa mga taong minahal ako ng sobra pa sa sobrang sobra. Kaso, ganto ba talaga? All in one kung magbato ng parusa ang Dyos? Bata lang po ako, hindi ko naman kakayaning pagsabay-sabayin lahat. Hindi lahat ng problema, kaya ko ng mag-isa. Ngayon? Paano nako kung wala na sya? Ang hirap kasi nung umasa ka sa mga pangakong alam mong kahit kailan, malabong matupad. Tulad nalang ng sabihin nyang, "Pangako, magbabago ako." At take note, kagabi nya lang sinabi sakin yon dahil nakikipaghiwalay nako. Ang sweet diba? Araw-araw, nagbi-break. May ganung klase ba kayo na relasyon? Wala. Kame lang!

No comments: