Si Token, nakakaawa talaga. Wala na nga syang trabaho, hindi pa nya napa-operahan ang nanay nya sa puso, at hindi nya makontak ni isa sa mga kapamilya nya sa Pinas ng dahil nga sa bagyong Ondoy. Taga Marikina sya at nasa lower part of Marikina nakatira ang pamilya nya. Nakakatakot. Nakakabagabag lalo na para sa kanya dahil mag-isa lang sya dito. Bankrupt narin sya at walang wala na talagang kapera-pera. Hindi rin sya makapag-trabaho gawa ng BAWAL at lalabag sya sa batas ng Canada. Hanggang roof top raw ang baha sa kanila at pati sasakyan nila sa Pinas, hindi narin naisalba. Hanggang ngayon, wala parin syang balita sa pamilya nya sa Pinas. Sa kadahilanang walang-wala narin syang matakbuhan, natutuwa naman ako na kahit papaano naisip nya ang Dyos. Habang kinukwento nya sakin ang mga problema nya sa buhay alam kong gusto nya ng iiyak pero bilib ako sa kaibigan kong 'toh, talagang malakas sya at lumalaban sa problema. Nakukuha pa nyang magpatawa habang naglalakad kame papunta sa kainan.
Bakit naman ganto kagrabe ang nangyayare sa Pinas? Pati si Kristine Reyes homeless na. Hindi ko na alam kung baket sa dinami-dami ng lugar sa mundo, Pinas pa ang kailangang madapuan ng bagyong Ondoy. Naghihirap na nga ang Pilipinas, lalo pang maghihirap ngayon. Pero nagpapasalamat ako sa puong maykapal na marami paring naka-survive sa bahang 'toh. Siguro, sa mga namatay, wala .. oras na talaga nila at tinakda ng Dyos na sa ganung paaran Nya sila kukuhain. Sana ipagdasal nyo rin ang kaibigan kong si Token, pati narin ang mga pamilya ko sa Pinas. At pati narin ang lahat ng taong dumaranas ng hirap ngayon. Sana marami paring tao ang may pusong magbibigay ng donasyon para sa mga nawalan ng bahay.
No comments:
Post a Comment