Monday, September 28, 2009

BOGSA

Photobucket

3 araw narin akong dire-diretsong nagpapaka-sabog para lang makatulog ng maayos at ng mamanhid narin. Kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa ko 'toh sa buong buhay ko – humithit ng doobidoobidoo. Nawi-wirduhan nako sa sarili ko. Para bang ang layo ko na sa dating Pinay Praning. Mas uber praning ako ngayon tapos sumasablay narin ako sa pag-solve ng Math problems. Parang feeling ko hindi ko na kinikeri ang mga nangyayare sa buhay ko.

Totoo ang mga sinasabi ng mga taong hinithit si Mary Jane kasi talaga namang effective sya (sa mga baguhan? LOL). Nakakatulog ako ng mahimbing at ang sarap lumamon! As in lamon hindi lafang. Sa pansamantalang kaligayahang 'toh, ok nako. Alam kong mali pero halerrr! lahat ng tao ngayon maligayang-maligayang ginagawa ang mga bagay na mali. At alam ko rin na hindi ako dapat makisabay sa kanila. Bare with me, marami lang talaga kong pinoproblema. Lahat tayo nagkakaron ng problema pero sa ngayon, hindi ko pa kayang harapin ang Dyos kaya si Mary Jane nalang muna ang bestfriend ko. Hindi naman 'toh parateng nangyayare talaga. Minsan lang.
Payo lang: nakakataba sya kaya sa mga on diet dyan, wag nyong subukan, sayang ang pagda-diet.

No comments: