Impyerno.
Ayoko mang tawaging impyerno ang eskwelahan pero parang ganun narin naman kasi eh. Gigising ng maaga, papasok sa eskwelang punong-puno ng pressure sa paligid, at uupo ng isa't kalahating oras sa klase. Alam ko maraming maitutulong satin ang eskwela pero minsan nakakasawa saka nakakapagod. At alam ko rin na kailangan ng sikap para umangat sa buhay. Hindi ako nag-kulang sa pangaral.
Sobrang eksayted ako kanina nung assembly namin at talaga namang hindi ako makapaghintay makuha ang time table (schedule ng classes) ko. Langya! Ibang-iba talaga dito sa ibang bansa. Sa Pilipinas talaga umi-effort kapag may picture taking ang klase. Samantalang dito, nyeta! Nakatayo ka sa labas ng eskwela tapos mga 200-300 tao ang kasama mong magpi-picture at titingala kayo dahil sa taas kumukuha ng litrato ang photographer para kuha lahat ng estudyante.
Kapag talaga umpisa ng pasukan, hindi nila maiwasang ulit-ulitin ang dress code. Paano naman kasi, wala kayang sumusunod! Haha. Hindi alam ng staff ng eskwela na talagang sinusuway lang ng mga estudyante ang dress code para manawa narin ang mga staff kakadada tungkol dito. "No miniskirts, no tubetops, no etsetermaderpakengshet." Maraming tsetsebureche. Asa naman kasing mapapalambot nila ang bunbunan ng mga batang nag-aaral sa eskwela nila. Haler!
Di ako makapaniwala na balik impyerno, este eskwela, nanaman kame. Haaay! Kailangan ng tamang tulog dahil eto yung level na kailangan talaga ng focus sa pag-aaral. At nung napanuod ko yung wowowee, yung mga nurse na nakapasa sa exams, sobrang na-encourage ako sa kanila. Talagang alam nila yung hirap na dinanas ng mga magulang nila para lang matulungan silang makaahon sa buhay. Kaya ako, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko pero hindi ko maipapangakong hindi makapag-asawa ng maaga. Echos!

4 comments:
impyerno talaga eskwelahan kaya ako pumapasok nun dahil lang dun sa kras ko,tapos pagkagraduate mo wala kang makukuhang trabaho,haha siyempre joke lang lahat yun :)
goodluck kaw ang pag-asa ng bayan!
ahihi. salamat kuya! ay naki-kuya eeh noh. amff! pero maganda ring inspirasyon ang pagkakaron ng kras sa school. bwahaha! mamomotivate kang pumasok. bwahaha!
kmsta first week mo jhey?? :) sana mas magiging exciting ang mga susunod ng months mo sa n-dub hanggang sa makagraduate ka.. wish u all the best! :)
haha panalo yung last line! XDD
Post a Comment