"Tama na. Pagod na pagod kana. Pahinga ka muna."
Yan ang bagay na dire-direchong sinasambit ng isip ko. Paulit-ulit na naririnig ng tenga ko. Oo, pagod na pagod nako. Pero hindi naman ako nagri-reklamo. Kinakaya ko pa hangga't may lakas kasi kapag wala na yung lakas, baka hindi ko na kayanin, dun nalang siguro ako bibitiw. Kaso masyado ng komplikado ang mundo para samin. Hindi nya talaga ako kayang tanggapin. Hinding-hindi. Ayaw kong lumipas ang mga taon at dumating yung araw na talagang hindi na kaya ni BF tiisin lahat ng sakit gawa ng nakaraan ko. Hindi ko kakayaning pagkatapos ng mahabang panahon naming pagsasama, biglang bibitiw sya. Hindi ko kaya yun. Masyadong masakit para sakin. Baka hindi ko na alam ang magawa ko sa sarili ko.
Pagod nakong umiyak, masaktan, mamura, mapabayaan, at higit sa lahat, pagod narin akong kamuhian. Dapat kayanin ko na wala sya, para sa kanya naman 'toh eh. Ayoko ng isipin pa ang sarili ko kasi ako lang rin naman ang magiging miserable ang buhay kapag pinagpatuloy ko pa ang relasyon namin. Tulad ng sinabi nya sakin, "Ayus ng ako ang maging miserable, basta wag lang ikaw." Ayaw kong ako lang ang nagmamahal. Ang pag-ibig ginawa ng Dyos yan para sa dalawang tao. At hindi ito magwo-work-out kung isa lang ang nagta-trabaho. Masakit pero dapat kayanin. Alam ko sa sarili ko na wala ng pag-asa. Tama si xG, alam ko ang sagot, natatakot lang ako.
Hindi ko na alam kung paano ko kasi sisimulan ang bukas ko knowing na wala na sya sakin. Baka hindi ko kayanin. Siguro iniisip nyo kumbaket ako patay na patay sa boyfriend ko. Well, sya lang naman ang nagturo sakin ng tamang daan at nagpa-realize ng mga mali ko sa buhay. Kung hindi sya ang dumating, baka saka-sakaling marami pang dadaang tao sakin at mas lalo ko lang kamumuhian ang sarili ko sa mga bagay na pu-pwede kong magawa.
Natatakot ako kasi sya lang naman yung tunay ko na kaibigan kahit na nagawa nya kong saktan, murahin, sigawan, prangkahin, atbp. Wala akong ibang matatakbuhan. Mga kaibigan ko? Iba parin. Hindi ko kasi alam kung sino talaga yung bukal sa loob na nagbibigay ng comfort. Wala akong gustong saktan sa sinabi ko. Totoo, hindi ko alam kung sino yung tunay at kung sino naman yung peke. Sa buong buhay ko, wala pakong nahahanap na matatawag kong bestfriend kung hindi ang boyfriend ko. Buong buhay ko, ni katiting na dungis ng buhay ko, alam nya. Kaya walang makakasisi sakin kumbaket ko minahal ng bonggang-bongga ang boyfriend ko.
Sa totoo lang, mahirap ang impit na iyak. Lalo na kapag yung tipong gusto mo ng isigaw ang nararamdaman ng kalooban mo at gusto mong tanggalin lahat ng bigat nito pero hindi mo magawa kasi makakabulahaw ka ng mga tao at makakakuha ka ng atensyon. Ang hirap nun sobra! Buti pa sya, may marijuana na pu-pwedeng hithitin kapag nalulungkot sya o nababadtrip. Ako, wala akong kahit na anesthesia na maituturok sa katawan ko kapag nakakaramdam ako ng sakit. Ayoko ng um-emo ulit kasi dadami lang ang sugat na pagagalingin ko.
Gusto kong lumayo, pero wala akong matataguan, maliit lang ang mundo ko at sa kanya lang umiikot. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Naibigay ko na lahat ng makakaya ko. Hinang hina nako. Siguro nga, tama na muna. Pahinga muna ko. Hindi na kasi kaya ng powers ko eh. Oo, sinasabi ko nanaman 'toh. NANAMAN! Walang katapusang nanaman. At pupusta ka na bukas o mamaya magkaka-ayos rin kame. Siguro nga tama ka, pero yung paga-ayus na yun ang magiging hangganan ng lahat. Marami nga namang lalake sa mundo, bilyon-bilyon, pero isa lang ang para sakin. Alam ko yun. Pero sa ngayon, pakiramdam ko, sya ang para sakin. Ang sakit isipin na hindi ko sya magawang iwan kahit na abot-abot langit na ang mga kasamaang nagagawa nya sakin.
Pero ok lang yun, kapag tapos kong mag-pahinga. Humanda sya. Lalaban uli ako. USO NAMAN NA ANG TANGA SA PAG-IBIG NGAYON KAYA HINDI NYO AKO MASISISI.

1 comment:
wala akong masabi. nalungkot lang ako bigla.
*hugs* kaya mo yan.
Post a Comment